Tuesday, December 25, 2012

106: Sa isipan lamang


Pag naiisip kita.

Kapag pinagiisipan kita.

Naiintindihan ko ang salitang pag-ibig.

At tumatapang ako at naduduwag ng sabay,

Tumatapang dahil sa inaasahang malaking possibiledad

na pagbabalik ng  pag ibig,

naduduwag sa takot, kapag na-iisip ko na ang

hindi dapat isipin. Na maaring wala na. Maari

mong sabihin sa akin, na wala na talaga. At lubha itong nakakatunaw ng

ano mang lakas ng katawan na ibinigay sa akin ng Diyos.


Kapag nakakausap ka dahil nag pumilit ang

alcohol sa utak na tawagan ka.

Lumulusot sa tenga ko ang hibla ng isang hibla ng saya

dulot ng mga binulong ng iyong nakangiting boses.

Nagugunaw ang mundo ko sa bawat matamis

na bisig ng iyong pagsasalita at

sabay na binubuong muli, ng isipan, na may

inakalang, oo pwede pa, parang may piraso ka

pa at natitirang damdamin ng pag-aalala.


Sa pakuwari ko ang kaunting pagka-inis

at mga himulmol ng takot sa

pagtatanong mo kung ako ay may iba na ay senyas ng

kapirasong damdamin.

At iyon lang naman ang kailangan ng imahinasyon ko.

Ang mga pirasong imahinasyon ng damdaming ito, ay pinalalaki, at

ginagamit upang mabuo muli ang pagasa at akoy

tumapang.


Mahigit na sa isang taon kitang hindi nakikita,

mahigit sa isang taon na nung sinabi mo naupos na ang iyong mga damdamin,

at mahigit na rin sa isang taon na tinapos ko na ang ating relasyon ngunit

hindi magawang lubusang putulin ang ating ugnayan.



At naunawaan ko ang lahat, sa aking sarili.



Walang pagmamakaawa at pagdadalwang isip kong pinagdesisyonan na kinailangan natin iyon.

Parang naubos ang maalat mong luha, humikbi, at humikbi, pagkatapos ay ako naman.

Hindi marami, tila ang mga luha ay nauubos lamang kasabay ng damdamin.

Nagbuntong hininga ako at lumipas ang mahigit sa isa at kalahating taon.

Ngunit sa tingin ko bakas na bakas

pa rin sa aking kaluluwa/mukha ang pag ibig,

parang wala nagawa ang oras, ang isang taon.


Hindi man lang lumabnaw ang mga nararamdaman at parang lumapot pa nga.

Umaagos sa mga pulso . Dumadaloy sa isipan ang imahe ng iyong pagkatao.

Hinahamak ako, ng paniniwala.


Parang kinukutya. Isa pang taon siguro, maaring lokohin ko pa na parang baliw ang sarili

 ng isa pang taon. Hindi raw pag ibig pag hindi ganito.

Ipagdarasal ko, na sana ikaw naman ang tumapang ng saglit, at sana marinig

mo talaga mula saakin minsan matapos kitang kausapin habang lasing

sa hindi pagtangapp nga katotohanan,

ang kailangan mo naman sabihin.

No comments: