Wednesday, January 02, 2013

115: Bagong taon - Para kay N

Napaka-laki nitong nararamdaman ko ngayon.
Matapos mo nanaman i-reschedule indefinitely ang ating pag kikita.
Nakaktakot at Nakakabaliw.
marami akong nais sabihin sa iyo ngayon,
tanungin, ngunit hindi ko pa magawa,
dahil hindi ako handa.

Saka nalang. Pero pinalalaki ko ba?
Ako lang ba ang hindi mo nais makita?
Eh baket ka nag sosorry? Malabo ba? kaya hindi ko makita?

Sa kabilang banda, kilala ko ang aking sarili,
Hindi lilipas ito ng kusa,
Kailangan ko yata ng iba, or ikaw
para tapusin ang malaking kahibangan na ito.


Kailangan bigyan ng mas mainit na liwanag,
ang aking katauhang ngayo'y tila paralisado at
nag uumapoy sa
pagdusa, sa pangungulila, sa pagkalito,
kung pag ibig pa nga ba itong nagliliyab.

Kitang kitang malayo ako sa dalampasigan
ng isipan mo. Nasa laot tila ng ibang mundo.

Kailangan ko ng tapusin ito.  

No comments: