Saturday, April 20, 2013

Song 2: Fringe


Fringe


Sa dulo ng ating dila
may mga tala

Sa iyong kamay
may tiwala, may naisip
na maganda,

Sumakay tayo sa dalang alon
ng kanilang tuwa

Tayo lang
ang nalalakad sa
kalyeng
bihira ang may alam

Sa gilid, sa tabi
tayo ay magsasalita

bubukasan ang daan
patungo sa kapayapaan.

Sa gilid sa tabi,
tayo ay magsasalita

maririning, titinding
mabubuhay ng tama.

Sa gilid sa tabi,
ng kalye,
may mga kasama,
magbubukas ng daan
patungo sa kapayapaan.

No comments: