Dati, ang mga araw ko ay pwedeng basahin,
na parang masayang tula,
ligtas ako sa mapanganib na lungkot,
tila walang pangit na kamay ng baraha
ang tumatabla sa aking pagkatao.
Ngunit dumating ang alas ng kalaban,
Ang buhay mismo, at naging mapanganib
ang aking kapaligiran,
kahit sa tirik na tirik na araw.
at nagbabaga ang liwanag, ay dumadapo
na parang ligaw na mga aswang sa gunita,
ang mga kuko ng kalungkutan, pag aalala,
takot, at anino ng pagod
wagas nilang niyayapos ang aking
dating maliwanag na diwa at malakas na pulso
na tila nadudurog sa bigat ng aking sariling yapak,
at sa bawat ala ala ng mga nakakahinayang,
sa pinakamapanganib na gabi ng aking buhay,
nagbasa ng ibang tula, ang may ari
ng kalawakan, at ako'y ginapos
upang makipaglaban at sumugal sa buhay.

No comments:
Post a Comment