Friday, November 08, 2013

Hayaan mo ako

Paki usap mahal
Lumapit ka ng sandali

Bawasan mo muna
Ang pagmamahal mo
sa iyong mga magulang

At ang mga takot
sa lipon ng mga
tao ay itapon mo muna
At saka ay pulutin
Kung mamaya ay
gugustuhin

Punasan mo muna
Ang pag aalala
sa iyong mala-
Dyamanteng mata

Hanapin mo muna
at isuot ang totoo
Mong mga ngiti

Buksan mo ang
Nakakandado nating
Pagkakaibigan at
tabihan mo ako
Ng sandali.

hayaan mo ang maunos kong
Ulo ay dumantay
Sa lupain ng  iyong katawan
At hayaan mong marinig
Ng iyong mga balikat
Ang paglapat
Ng aking tenga
At ang pagalulong ng
aking hiniga.

Tabihan mo lamang ako
Ng sandali.

Paki usap pahiram muli
ako ng ang oras,
Sumalok ng mga minuto
Karagatan ng iyong buhay.

Punuin mo
Muna ang naiwang
puwang
Hawakan at gamutin mo muna
ang
Aking naulilang palad.

Pakiusap mahal sa aking
Pagdating ay
Tabihan mo
Ako ng sandali.

No comments: