Saturday, October 26, 2013

Maynila

ISa Maynila
Dumadaloy ang lakas
Ni inday sa bawat
Walis ting ting
Na itinataktak
Nya sa ding ding
Ng kulay madaling araw
Sa hongkong
Habang mahimbing
Na natutulog
Si ginging.

Sa Maynila
Mabilis lumipas
Ang mga araw nila
Miggy at marga habang
Nagsasalita ng
Mga ka conyohan
Sa opisina tuwing
Biyernes ay
Derecho sa hataw sa
Mga clubs
Hataw sa inuman
Hataw sa tugtog
Na titanium ni sia
At david guetta

Sa Maynila
walang nakakaramdam
Ng pagka miss sa
Maynila,
Kailangan tumira sa ibang
Bansa ng mahigit sa tatlong
Buwan kung gusto
Mong mamiss
Si inday, ang trapik,
Ang walang
Pagdadalawang isip
na tumagal sa opisina

Sa Maynila
Dumadaloy
Ang kasiguraduhan
Ng aking pagkatao
Ang nagpapa bili
Ng.mga pasalubong

Sa Maynila
Maraming walang hiyang
Nangungulimbat
Nagnanakaw ng pera ng bayan
Yung mga pinagpapawisan
Nila ninanakaw
Kinakamkam at ipinamumudmod
Sa mga anak

At ahil Maraming dakila
Dakilaan na tulad ko
Sa maynila ay hangang ngayon
...

Maraming gitnang pangalan ay baboy
Si bong baboy r.
Si j. Baboy n.
At si juan baboy e.

Nangugulangot nangangaban bayan
At ang mga mang mang ay nanatiling mang mang

No comments: