Saturday, October 26, 2013

Para kay Ikaj

Berde ang iyong suot at
nakatali ang iyong buhok.

Isang gabi sa Singapura,
Sa labas ng istastyon ng tren.

Gatas ang kutis at sa iyong ngiti
Mayroong hibla ng tamis.

Umiinom tayo ng wine.
Tumatawa sa isang lamesa.

Habang pinakikita mo ang iyong mga
Paintings sa kaibigan ng kaibigan.

Natapos ang gabi at
Kasabay ng pagyapos
Mo sa akin.

Ay ang pagaalinlangan ko.






No comments: